-- Advertisements --

Inalmahan ni dating US President Donald Trump ang panibagong kaso sa kaniya mula sa estado ng Georgia.

Sinabi nito na tila imbento na lamang ang nasabing kaso kasi mahigit dalawang taon na ito.

Sa nasabing tagal na ng kaso ay ngayon lamang isasabay sa kasagsagan ng pagsisimula ng kaniyang political campaign.

Ito na ang pang-apat na kaso na kinaharap ng 77-anyos na dating Republican President.

Magugunitang idiniin ang dating pangulo sa racketeering at ilang mga election crimes dahil sa tangka nitong baligtarin ang resulta ng halalan noong 2020 kung saan nagwagi si President Joe Biden.