-- Advertisements --
Dadalo si US President Donald Trump sa virtual Asia Pacific Summit.
Magiging host country ngayong taon sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) forum ang Malaysia.
Gaganapin ito sa Biyernes.
Ito ang unang beses na pagdalo ng US President sa APEC na ang huli ay noong 2017.
Hindi kasi natuloy ang APEC Summit noong nakaraang taon dahil sa naganap na kaguluhan sa Chile at noong 2018 ay si US Vice President Mike Pence naman ang dumalo kung saan napag-usapan dito ang hidwaan ng US at China.










