-- Advertisements --
Nagkausap sina US President Donald Trump at Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng telepono.
Sinabi ni Senator Bong Go, pinag-usapan ng dalawang lider ang bilateral cooperation laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Mismong si Trump ang tumawag kay Duterte nitong Linggo ng gabi.
Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang senador sa iba pang mga pag-uusap ng dalawa na tumagal ng halos 20 minuto.