-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na ito ay malusog.
Ito ay matapos na sumailalim siya sa phase one ng annual physical examination kung saan nasa “very good” ang health condition niya.
Isinagawa ang pagsusuri at ibang laboratory tests sa Walter Reed Medical Center sa Washington.
Ayon pa kay White House Press Secretary Stephanie Grisham na nagiging malakas pa rin ang pangulo.
Magugunitang mula ng maupo ang 73-anyos na US President ay kinikuwestiyon ng kaniyang kritiko ang kalusugan nito.