-- Advertisements --
Naghain si dating US President Donald Trump ng $91.63 milyon bond sa defamation case na kinakaharap nito.
Isinabay ni Trump ang paghain ng bond sa federal court ng New York.
Noong Enero ay pinaburan ng federal jury ang nagrereklamong si E. Jean Carroll at pinagbabayad si Trump ng $83.3-M bilang damyos.
Nagbunsod ang kaso ng makailang ulit na sinabi ni Trump na hindi niya tipo ang manunulat at inakusahan pa niya na kaya inilabas ang akusasyon para mapalaki ang bentahan ng libro niya.