Inanunsyo ni President Donald Trump na ipagbabawal nito sa Estados Unidos ang nauuso ngayong Chinese-owned video sharing application na Tiktok.

Ayon kay Trump posible raw na lagdaan nito ang isang executive order na tuluyang magba-ban sa naturang video app.

Una nang nagpahayag ang ilang opisyal ng Amerika hinggil sa bantang dulot nito dahil maaari raw nitong kolektahin ang mga personal na impromasyon ng sinomang magda-download nito.

Iginiit naman ng Chinese firm na ByteDance ang mga akusasyon. Anila hindi raw hawak ng Chinese government ang mga datos na inilalagay ng user sa nasabing phone application.

Sa kasalukuyan ay aabot na ng 80 milyong katao sa buong mundo ang active users ng application kung saan karamihan nito ay mula sa Amerika.