-- Advertisements --

Kumambyo si US President Donald Trump sa suhestyon nitong magpatupad ng “enforceable” travel quarantine sa buong rehiyon ng New York.

Ito’y kasunod nang mariing pagtutol ni New York Governor Andrew Cuomo kung saan maihahalintulad na rin aniya ang naturang hakbang sa pagdedeklara ng gyera sa estado.

Una nang nagpahayag si Cuomo na hindi ito sang-ayon sa ideya ni Trump na magpatupad ng travel ban sa mga New Yorkers na magnanais pumunta ng ibang estado dahil sa banta ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Cuomo, hindi umano ito naniniwala na kakailanganin ng kahit anong federal administration na isailalim sa physical lockdown ang kahit anong estado ng bansa. Aniya hindi raw ito legal at magdudulot lamang ito ng kaguluhan sa ekonomiya.

Nagbanta rin si Cuomo na sasampahan niya ng kaso ng Rhode Islad sa oras na harangin nito ang mga New Yorkers na pumasok sa border.

Matapos nito ay inihayag ng American president ang kaniyang naging desisyon na magpatupad ng quarantine sa buong New York at iba pang estado.

Ayon sa pangulo, maglalabas na lamng ito ng mahigpit ng travel advisory ngunit hindi na siya nagbigay pa ng karagdagang detalye hinggil dito.

Una nang inanunsyo ng American president na pinaplano umano nitong magpatupad ng quarantine sa New York, New Jersey at Connecticut.

Ang mga nabanggit na estado ang pinaka-apektado ng outbreak.

“Some people would like to see New York quarantined because it’s a hot spot,” saad ni Trump. “I’m thinking about that right now. We might not have to do it, but there’s a possibility that sometime today we’ll do a quarantine.”