-- Advertisements --

Minultahan ni New York Judge Juan Merchan ng $9,000 si dating US President Donald Trump dahil sa paglabag sa gag order ukol sa hush money trial nito.

Ayon kay Merchan a siyam na beses na binatikos ni Trump ang mga witnesses na malinaw na paglabag sa gag order.

Marapat na mabayaran ni Trump ang nasabing halaga sa katapusan ng linggo.

Una rito ay hiniling ng mga prosecutors na i-contempt na lamang si Trump dahil sa paglabag ng gag order subalit binalewala na lamang ito ni Merchan at pinayuhan ang dating pangulo na burahin na lamang ang mga online post nito na bumabatikos sa nagaganap na pagdinig sa kaso nito.