-- Advertisements --

Nanindigan si President Donald Trump na hindi nito suportado ang mail-in votes para sa nalalapit na UNited States presidential election sa Nobyembre.

Ayon kay Trump, kaya lamang daw ito sinusuportahan ng Democrats ay upang nakawin ang boto na para sa kaniya.

Tinatayang 51 milyong balota ang ipapadala sa pamamagitan ng US Postal Service (USPS) dahil na rin sa takot ng mga tao na lumabas dulot ng coronavirus pandemic.

“They are talking about sending 51 million ballots out to anybody who, you know, nobody knows who is going to get them. t’s a horrible thing. It’s a fraudulent election. Everybody knows it, you don’t even have to know politics to know it.,” wika ni Trump

Paliwanag ng Republican president na mas masisigurado raw ang seguridad ng mga boto kung gagamit na lamang ng absentee voting.

Samantala, nangako naman si Joe Biden na tutuldukan ng kaniyang magiging administrasyon ang pasakit na dulot ni Trump sa oras na ito ang mahalal bilang bagong pangulo ng Amerika.

Sa loob daw kasi ng ilang taon na pamumuno ni Trump ay puro galit at takot lamang ang naramdaman ng karamihan hinggil sa kaniyang pamumuno.