-- Advertisements --

Pormal nang tinanggap ni United States President Donald Trumnp ang nominasyon sa kaniya ng Republican Party upang muling tumakbo sa pagka-pangulo sa gaganaping presidential election.

Sa ika-apat at huling araw ng Republican National Convention 2020 na ginawa sa White House South Lawn, sinabi ni Trump na ang nalalapit na botohan ang pinaka-importante sa buong kasaysayan ng Estados Unidos.

Tila binalewala naman ng Republican president ang katotohonan na unti-unting nagkakawatak-watak ang kaniyang mamamayan at nagkakaroon ng magkakaibang pananaw tungkol sa iba’t ibang isyu.

Nagawa ring ipagmalaki ni Trump ang kaniyang mmga nagawa para sa bansa, kasabay ng pangakong kaniyang binitawan na mas gagalingan pa ng kaniyang administrasyon sa oras na muli itong mahalal bilang pangulo ng America.

Hindi rin ito nagpahuli sa patutsada sa kaniyang katunggali at Democratic nominee na si Joe Biden. Si Biden aniya ang sumira ng mga pangarap ng kanilang mamamayan at ito rin umano ang sisira sa kinabukasan ng US.