-- Advertisements --

Itinuturing ni US President Donald Trump na patuloy na nilang napapanalunan ang giyera sa Iran.

Ayon kay Trump na mayroong magandang resulta ang ginagawang pag-uusap sa mga kinatawan ng US at Iran.

Pinuri din nito ang mga bansang Qatar at United Arab Emirates (UAE) dahil sa matapang pakikipaglaban sa Iran.

Naniniwala ito na nasa tamang landas sila sa pakikipag-usap sa Iran dahil maraming lider ng Iran ang nasawi na mula ng atakihin nila ito.

Magugunitang binantaan ng US na bobombahin nila ang energy at oil facility ng Iran kapag hindi nila binuksa nag Strait of Hormuz.