Biglang kumambyo si United States ambassador to the European Union Gordon Sondland at inamin na mayroong naganap na quid pro quo sa pagitan nito at ng isang Ukrainian official.
Isa si Sondland sa mga key witnesses laban sa patuloy na nilulutong impeachment inquiry laban kay President Donald Trump.
Iniba ng nasabing top envoy ang kaniyang naunang testimonya matapos umano niyang maalala na nakipag-usap ito sa isang opisyal ng Ukraine hinggil sa hindi pagbibigay ng US ng kanilang military aid hangga’t hindi sinisimulan ang pag-iimbestiga kay former Vice President Joe Biden.
Aniya, personal itong nakipagpulong kay Andriy Yermak kung saan sinabi umano nito na hindi ibibigay ng US ang halos $400 million military aid kung hindi magsasagawa ng public anti-corruption statement ang Ukraine.
“I always believed that suspending aid to Ukraine was ill-advised, although I did not know (and still do not know) when, why, or by whom the aid was suspended,” saad ni Sondland.
Nagpadala naman ang Democrats ng sulat para kay White House Chief of staff Mick Mulvaney upang magbigay din ng kaniyang testimonya dahil posible umano na may alam din ito sa naturang isyu.
“After that large meeting, I now recall speaking individually with Mr. Yermak, where I said resumption of U.S. aid would likely not occur until Ukraine provided the public anti-corruption statement that we had been discussing for weeks,” dagdag pa nito.