-- Advertisements --
Posibleng dumalo si US President Donald Trump sa gagawing pirmahan ng peace agreement nila ng Iran.
Ayon kay Trump na hindi niya inaalis ang posibilidad ang pagdalo sa pirmahan na gaganapin sa Geneva, Switzerland.
Giit nito na ang memorandum of understanding ay mahalag na isa sa kakaibang dokumento na pinipirmahan ng isang pangulo.
Ang tiyak na inaasahang dadalo ay si US Vice President JD Vance.
Una ng ikinokonsidera ng Iranian Foreign Ministry spokesman Esmaeil Baghaei ang pagdalo ng mga pangulo ng US at Iran para sa nasabing pirmahan na gaganapin sa araw ng Biyernes.
















