-- Advertisements --

Kinontra ng White House ang balak ng ilang Republicans senators na magpasa ng panukalang batas para sa karagdagang pondo sa Centers for Disease Control at Prevention na gagamitin sa coronavirus contact tracing at testing.

Paglilinaw ng White House na may natitira pang pera sa pondo na inaprubahan noong Marso.

Inaasahan na sa susunod na linggo ay ilalabas ng mga mambabatas ang nasabing panukalang batas.

Base sa panukalang batas mayroong $25 billion na pondo na ilalaan sana para sa pagsasagawa ng testing at contact tracing.

Magugunitang kinokontra ni US President Donald Trump ang pagsasagawa ng coronavirus testing dahil nagreresulta ito mismo ng mas maraming kaso.