-- Advertisements --

Susubukang kumbinsihin ni US President Donald Trump ang mga iba’t-ibang governor para sa pagtanggal ng lockdown bago ang Mayo 1.

Sinabi nito na pupulungin niya ang nasa 50 governors at hihikayatin ang mga ito sa posibleng pagbubukas ng estado.

Dagdag pa nito na babantayan ng gobyerno ang mga ito at pananagutin ang mga governors kung sakaling nagkaroon ng aberya.

Sa ngayon aniya ay kuntento ito sa trabaho ng mga governors sa ipinapatupad na mga lockdown dahil sa coronavirus pandemic.