-- Advertisements --
Binatikos ang naging pahayag ni President Donald Trump na kaniyang tatanggalin ang mga sundalo ng Amerika sa Syria.
Sa depensa ni Trump na kapag natanggal na ang mga sundalo ng U.S. ay may pagkakataon na ang Turkey na maglunsad ng atake sa mga Kurdish fighter sa norht-eastern Syria.
Dahil dito ay maging mga kasamahan nito sa Republican ay hindi sang-ayon sa pahayag ni Trump.
Itinuturing din ng mga Kurdish-led group na isang pananaksak sa kanilang likod ang nasabing pahayag nito ni Trump dahil naging susi sila kasama ang US sa paglaban ng Islamic State sa Syria.
Paglilinaw ni Trump na huwag lamang abusuhin ng Turkey ang kaniyang pahayag dahil tiyak ang kanilang pagganti sa pamamagitan ng pagsira ng kanilang ekonomiya.










