Hinihimok ng administrasyon ni US President Donald Trump ang mga taong nakatira sa mga estado na tinuruting bilang hotspot ng coronavirus pandemic na panatilihing nakasuot ng face masks kapag lalabas ng kanilang mga bahay.
Ito ay para mabawasan umano ang posibilidad ng mas lalo pang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Sa isinagawang press briefing ng Republican president sa White House, sinabi nito na hinihintay na lamang niya ang guidance mula sa mga public health experts hinggil sa pagsusuot ng face masks ng publiko.
Nababahala umano si Dr. Deborah Birx, myembro ng White House coronavirus task force dahil posible raw na karamihan sa mga Amerikano ay hindi na raw susundin ang ipinatupad na social distancing at paghuhugas ng kamay sa kadahilanang nakasuot na sila ng face masks.
“This worries us and that’s why the debate is continuing about the mask,” ani Birx.
Ayon sa mga public health experts, makakatulong ang pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Una nang nirekomenda ni Trump na gamitin ang scarf bilang pantakip sa bibig habang ang mga face masks ay gagawing reserba para sa mga frontliners.