Kinasuhan na ng Tangkawayan, Quezon PNP ang truck driver na bumangga sa ambulansya na ikinasawi ng apat na katao.
Ayon sa PNP, isinampa na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple injuries.
Base sa imbestigasyon nila, tinatahak ng ambulansya ang kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay San Vicente, dakong alas-9 ng umaga ng Miyerkules ng sinalubong sila ng 10-wheeler wing van na patungong Bicol.
Dahil sa pangyayari ay hindi na umabot pa ng buhay ang mga biktimang sina Melchor Escandor, Jocelyn Esader Zander Regalado, at 12-anyos na lalaki.
Nasa malubhang kalagayan naman sina Rose Ann Espineda, Lanie Escandor at 8-anyos na si Nigel Gime.
Pawang mga taga Gubat, Sorsogon ang mga biktima.
Depensa ng driver na nawalan ito ng kontrol dahil sa madulas na kalsada.