-- Advertisements --
Nag-landfall na ang tropical storm Hilary sa Baja California sa Mexico.
May taglay itong lakas ng hangin na 65 miles per hour.
Inaasahan na ito ay tatawid sa US habang nakaranas ng malakas na hangin at pag-ulan sa Southern California.
Dahil sa nasabing bagyo ay nakansela ang ilang flights sa San Diego International Airport.
Sinabi naman ni Los Angeles Mayor Karen Bass na nakahanda na sila sa nasabing pagtama ng bagyo.