Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy na ginagampanan ng kanilang mga tropa ang mga misyon na naka-assign sa kanila.
Ito ang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar sa gitna ng pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND).
Ginawa ni Col. Aguilar ang pahayag matapos na i-anunsyo ng Malacañang kahapon ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity, Secretary Carlito Galvez Jr. bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND).
Ipinahayag din ni Aguilar ang malugod na pagtanggap ng AFP kay Sec. Galvez at sinabing makakatulong ang kanyang malawak na experyensya bilang military commander at public servant, gayundin ang kanyang karanasan bilang COVID-19 czar sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Nauna rito ay lumutang ang balita tungkol sa umabot na “destabilization attempts” sa AFP matapos manungkulan bilang bagong AFP Chief of Staff si General Andres Centino kapalit ni Lieutenant General Bartolome Bacarro nitong Sabado..
Pero tiniyak ni Col. Aguilar na normal ang sitwasyon at nananatiling isang propesyonal na organisasyon ang AFP na tapat sa chain of command