-- Advertisements --

Itinuturing na bayani ng NLEX Road Warriors si Don Trollano matapos talunin nila ang TNT Tropang Giga 90-89.

Naipasok kasi nito ang lay-up niya sa natitirang 2.2 seconds sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Naging malaking hamon ang laro sa NLEX ang laro dahil hawak ng TNT ang 12 points na kalamangan sa last quarter.

Tinanghal naman bilang player of the game si Kevin Alas na nagtala ng 16 points, pitong rebounds at anim na assists.

Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na naging mahirap ang laro nila dahil sa defending champion ang kanilang makakaharap.