Kanselado na ang mga aktibidad sana ng daan-daang pasahero ng World Dream cruise ship na dadaong sa Subic, Zambales.

Sa halip na ma-enjoy ng mga sakay ang trip to Subic, pababalikin na sila agad bukas sa Hong Kong dahil sa paghihigpit na ginagawa dahil sa pinangangambahang Wuhan corona virus.

Ayon kay DoH Sec. Francisco Duque III, may mga hakbang silang ginagawa para maingatan ang publiko, habang patuloy din naman ang monitoring sa mga pumapasok sa bansa para agad na mabigyan ng karampatang tugon kung makitaan ng anumang senyales ng sakit.

Una rito, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na mayroong dalawang barko mula sa China ang dumating sa bansa at nakadaong sa Pier 15 ng Manila South Harbol sa Port Area, Manila.

Sakay nito ang 778 pasahero, na dumaong kaninang umaga.

-- Advertisement --

Ang ikalawang barko mula pa rin sa China ay ang MV Ligulao.