Ngayon pa lamang ay hinuhulaan na ng mga boxing analysts na magiging blockbuster sa kasaysayan ng boxing ang pagtutuos sa ikatlong pagkakataon ng mga superstars ng boxing na sina undisputed super middleweight world champion Saul “Canelo” Alvarez at unified middleweight champion Gennadiy “GGG” Golovkin.
Ang trilogy ng dalawang mahigpit na magkaribal ay magaganap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa September 17 nitong taon.
Ang naturang venue ang siya ring sentro ng naunang mga epic fights ng dalawa.
Kung maalala ang una nilang laban noong September 2017 ay nauwi sa tabla habang ang second fight noong September 2018 ay si Alvarez naman ang nadeklarang nanalo sa pamamagitan ng majority decision.
Ang Meksikano na si Alvarez ay merong record na 61 wins, nasa 39 ay via knockouts at merong dalawang talo.
Ang Kazakhstan boxer naman na si Golovkin ay may record na 42 wins, kung saan 37 dito ay via knockouts at meron pa lamang isang talo.