-- Advertisements --

TCA2

Pinalakas pa ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang Trilateral Cooperative Arrangement (TCA) lalo na sa pagbabantay sa maritime borders ng tatlong bansa.

Nitong March 28, 2022 muling nagpulong sina Malaysian Minister Hishammuddin Hussein, Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, at defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan tinalakay ng mga ito kung paano pa palawakin ang seguridad sa Sulu at Sulawesi Seas.

Ayon kay Sec Lorenza napagkasunduan nila ng kaniyang mga counterpart na idevelop pa at palawakin ang Trilateral Cooperative Agreement beyond sa kasalukuyang security landscape sa pamamagitan ng multi-agency combination.

Palakasin pa ang pagpapatupad ngTrilateral Maritime Patrol Relations Officers sa bawat bansa at paigtingin ang intelligence in surveillance operations.

Dagdag pa ni Lorenzana, kanila din napagkasunduan na i-institutionalize na ang TCA kada taon, paigtingin ang monitoring sa mga karagatan at i explore ang posibility na magsagawa ng joint training.

Sinabi ng Kalihim nang pirmahan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang TCA nuong 2017, dahil sa isinagawang joint patrols and sharing of intelligence nag resulta ito sa zero incidence ng kidnapping for ransom na dati ay rampant sa Sulu at Sulawesi Seas.

Samantala, nuong nakaraang linggo dumalo naman si Sec Lorenzana sa Defense Services Asia Exhibition & Conference and National Security Asia 2022 Opening Ceremony na ginanap sa Kuala Lumpur.

Ang nasabing event ay inorganisa ng Malaysian Institute of Defense and Security kung saan nasa mahigit 100 kumpanya ang nakibahagi at ibinida ang kanilang sophisticated hardware and electronics para sa security industry.