Tiwala ngayon ang triathlon team ng Pilipinas na makapag-uwi sila ng mga medalya para sa bansa sa darating na Southeast Asian Games (ASEAN) Games sa bansang Cambodia ngayong darating na Mayo 6 hanggang 8.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay national triathlon coach Roland Remolino, puspusan na ang kanilang ginawang training dahil malalakas din umano ang mga atleta mula sa ibang bansa tulad ng Singapore, Indonesia at Cambodia na may nirecruit pa umano galing sa France.
Ayon pa kay Remolino, target pa rin nilang makakakuha ng gold at silver medal.
Binubuo ang koponan ng hindi bababa sa 10 atleta para sa aquathlon, triathlon, at duathlon kung saan tatlo sa mga ito ay mga Cebuano na sina Andrew Kim Remolino, Raven Faith Alcoseba at Mathew Justine Hermosa.
“I’m sure sigurado kaming makakakuha kami ng medal dun. Di lang namin alam kung 1st o second, basta sigurado na yan. Kaya pinaghandaan na namin ng buong coaching staff ng Philippine team. Pinaghandaan talaga namin. Kailangang makuha pa rin natin yung gold o silver. Yan naman ang goal namin talaga,” saad ni coach Remolino.
Samantala, ibinahagi pa Kim na magiging mahirap ang race lalo pa’t sasabak ito sa duathlon at triathlon.
“Yeah, hopefully po. Yung main goal is to get a medal and I think yung mangyayari po is it’s gonna be a tough race especially Raven and I are doing dalawang races po which is aquathlon and triathlon,” ani Kim.
Sa panig naman ni Alcoseba, binabaan na umano niya ang kanyang expectations ngunit umaasang makapag-uwi pa rin ng medalya.
Ayon pa nito, “As of now, I’m keeping the expectations low.”
Maging si Matthew ay umaasa rin na makakuha ng pwesto at medalya kahit pa man na ito ang kanyang kauna-unahang paglahok sa SEA Games.
“For me po, hoping na makasali and makaplace o maka-medal,” ani Mathhew.
Nakatakda namang lilipad ang triathlon team ng Pilipinas ngayong Abril 29 at umaasa ang mga itong may maraming water stations at ice packs kasabay ng sporting event dahil mas mainit pa umano doon ang klima kumpara sa nararanasan sa bansa.