Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naging mas mabilis ang oras ng paglalakbay sa EDSA para sa Mayo 2023 kumpara noong 2020.
Ayon sa ahensya, noong Mayo 2023, ang bilis ng biyahe sa EDSA ay nasa 24.98 kph.
Mas mataas ito sa 21.67 kph travel speed sa EDSA noong taong 2020.
Gayunpaman, dumami ang mga sasakyan sa kahabaaan ng EDSA.
Noong 2019, mahigit 405,000 na sasakyan ang gumamit ng EDSA na kung saan, sa kasalukuyan ay halos 426,000 sasakyan na ang bumibiyahe araw araw.
Kung matatandaan, nagsimula ang EDSA bus Carousel noong JUne 1, 2020 upang sakupin ang mga lumang ruta ng mga bus ng lungsod.
Layunin nito na gawing mas mabilis ang pag-commute para sa riding public.
Sa kabila ng tumaas na bilis ng paglalakbay sa EDSA, sinabi ng mga motorista at commuter na hindi nila nararamdaman ang pagkakaiba nito kumpara sa mga nakaraang taon.