-- Advertisements --

Magpupulong ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) upang talakayin ang travel restrictions kasunod ng mga ulat na na-detect sa marami pang bansa ang bagong variant ng COVID-19 mula United Kingdom.

Inatasan ni Health Secretary Francisco Duque III ang technical teams at experts ng DOH para i-review ang proposal ng mas mahigpit na control measures para sa mga biyahero na magmumula sa mga bansa na may kaso ng bagong variant ng coronavirus.

Ilalatag naman ang magiging rekomendasyon ng mga eksperto sa magiging pagpupulong ng IATF sa Disyembre 28.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPH sa World Health Organization (WHO) para bantayan ang mga bansa na nakapagtala na nga kaso ng bagong variant, tulad ng Hong Kong, Singapore, at Australia.

Posible umano na magpatupad na rin ng travel restrictions sa lahat ng pasahero na manggagaling sa mga bansa na hindi nabanggit ng ahensta.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ban sa mga flights na magmumula sa United Kindon hanggang katapusan ng Disyembre.