Inihayag ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) ang tuluy-tuloy na pagtatanghal ng mga travel fair mula nang muling buksan ang mga borders ay nagpapatunay na ang sektor ng turismo ay patungo na sa pagbangon.
Noong Hulyo, matagumpay na natapos ng PTAA ang 2022 Travel Tour Expo (TTE) at International Travel Trade Expo (iTTE), na may foot traffic na umabot sa 30,000 hanggang 45,000 sa loob ng tatlong araw.
Ayon kay PTAA President Michelle Taylan, ang grupo ay naglalayon na doblehin ang bilang na ito, kasama ang bilang ng mga exhibitors.
Sa susunod na taon, humigit-kumulang 400 exhibitors ang inaasahang magpapatakbo ng higit sa 1,000 booth, na kinabibilangan ng mga ahensya ng paglilibot at mga airline na nag-aalok ng iba’t ibang mga packages sa may discounted rate.
Bukod sa local tour packages, ang mga travel offers sa mga destinasyon sa Asya at maging hanggang sa Africa ay ibebenta rin sa expo.
Nakatakdang isagawa ang 2023 travel expo sa SMX Convention Center sa February 3 to 4 sa susunod na taon.