-- Advertisements --

Lubhang nanganganib ngayon ang hinaharap ng financial market at ekonomiya ng Estados Unidos matapos ang isinagawang prime-time address ni President Donald Trump.

Ayon sa mga investors, bigo umano ang American president na pawiin ang kanilang pangamba hinggil sa kung ano ang magiging hakbang ng gobyenro para hindi gaanong maapektuhan ng coronavirus pandemic ang ekonomiya ng Amerika.

Bumulusok pababa ng 1,029 points o halos 4.36% ang Dow kasunod ng pag-anunsyo ni Trump ng 30-days travel ban mula Europa papasok ng U.S.

Bumagsak din ang stocks para sa Standard & Poor’s 500 ng 4.03% habang ang Nasdaq naman ay bumaba ng 4.07%.

Magsisimula sa Biyernes ang travel ban na ipatutupad sa Italy, Germany, France, Spain at 22 pang bansa ngunit hindi kasama rito ang United Kingdom.