Umusad na ngayon ang Traslacion Procession ng Itim na Nazareno sa Naga City mula sa Holy Cross Parish barangay Tabuco papuntang Plaza Quezon kung saan ito mamamalagi hanggang bukas.

Una rito, sinuguro ng Naga City Police Office o NCPO na all set na ang ilalatag na security measures para sa nasabing prosisyon.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Major Augusto Manila, head ng Police Community Relations Office ng NCPO, sinabi nitong nasa 150 na mga kapulisan ang nakahanda upang magmatyag at magbantay sa aktibidad.

Naka-deploy na rin ang naturang mga pulis sa Tabuco Bridge hanggang sa kasentrohan ng Naga City na dadaanan ng mga deboto.

Ayon rito, mas maayos umano ngayon ang gagawing prosisyon dahil lilimitahan na ang mga replika ng Itim na Nazareno na isasabay sa prosisyon.