Hinikayat ni 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita ang mga nasa transportation departments na ikonsidera ang pagbili sa mga sasakyan na gawang Pinoy para sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Sa ginawang motu proprio inquiry ng House of Representative ukol sa nasabing programa, sinabi ng mambabatas na lubhang napakalayong mas mura ang mga gawang Pinoy kumpara sa mga galing pa sa ibang bansa.
Gagastos ang mga operator sa mga lokal na manufacturer ng P17,000 kada buwan kapag ito ay hulugan kumpara sa P40,000 na kada buwan na hulugan sa mga imported na sasakyan.
Sang-ayon naman dito si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz kung saan binibigyan naman nila ang mga operator ng kalayaan na mamili.