-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mula sa itinaas na storm signal No. 8 sa Central Hong Kong dahil sa cyclone Wipha, humina na ito at naging signal number 3 na lamang sa ngayon.

Sa ulat sa Bombo Radyo Butuan ni Bombo international correspondent Merly Bunda direkta mula sa Hong Kong, kahapon pa ang round-the-clock na pag-anunsyo ng mga otoridad sa itinaas na signal number 8.

Ngayong nasa signal number 3 na lamang ito kung kaya’t balik na sa normal ang biyahe sa lahat ng transport sector lalo na sa mga eroplano, bus, mga sasakyang pandagat at pati na sa tren.

Sa ngayo’y nakakaranas pa rin sila ng malakas na ulan ngunit wala pa silang natanggap na report ukol sa danyos na hatid nito lalo na’t palabas na ang bagyo sa kanilang area of responsibility.

Ipinagbabawal pa rin ang pagsasagawa ng kahit na anumang water sports dahil delikado pa ito lalo na’t malalaki pa rin ang alon ng karagatan.

Nilinaw din ni Bunda na ito ang unang bagyong pumasok sa naturang teritoryo ngunit mas mahina ito kung ikumpara sa signal number 10 na naranasan nila nitong Oktubre ng nakalipas na taon.