Inanunsyo ng transport group na ang tigil-pasada ay ipinatigil na kung saan dapat sana ay 3 araw na transport strike dahil yan sa banta ng super typhoon Egay.
Naging super typhoon na kasi ang binabantayang nasabing bagyo.
Sa isang pahayag, sinabi ng Manibela na pinakinggan nito ang panawagan ng mga pasahero para sa transportasyon sa panahon ng malakas na pag-ulan.
Ngunit sinabi nito na magpapatuloy ang tigil-pasada kung hindi matugunan ng gobyerno ang mga isyung kinakaharap ng sektor ng transportasyon.
Pinangunahan ng Manibela ang welga noong Lunes upang tuligsain ang programa ng modernisasyon ng pampublikong sasakyan ng pamahalaan.
Ang nasabing protesta ay kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinabi ng Manibela na nabigong hawakan ng administrasyon ang mga isyu sa trasnportasyon.