-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang transport minister ng Singapore dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Nahaharap sa reklamo si Transport Minister S. Iswaran na kinasasangkutan din ng hotel tycoon na siyang nagdadala ng mga Formula 1 Grand Prix sa bansa.

Siya ang unang nakaupong minister na kinasuhan ng kasong kriminal.

Sinabi ni Chief Prosecutor Tan Kiat Pheng na nahaharap ng 27 kaso si Iswaran kabilang ang kurapsyon at obstruction of justice.

Ilan sa mga reklamo ay nakatanggap umano ito ng regalo mula sa bilyonaryo ng Malaysia na si Ong Beng Seng na nagkakahalaga ng $119,000 bilang lagay kapalit ang interest sa negosyo.

Ayon kay Iswaran na kaya siya nagbitiw ay para malinisan ang kaniyang pangalan.