-- Advertisements --

Nawalan ng trabaho ang humigit kumulang 14,000 empleyado ng mga provincial bus firms dahil sa community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic, ayon sa lider ng isang transport group.

Bawal pa rin kasing makapasok sa Metro Manila ang mga provincial busses at required na kalahati lamang ng kanilang passenger capacity ang maari nilang isakay sa pagbalik ng kanilang operasyon, ayon kay Provincial Bus Operators Association of the Philippines President Alex Yague. 

Sinabi ni Yague na bukod sa 14,000 na nawalan ng trabaho, may ilan pa aniyang na-forced leave.

Pinaghalong drivers, ticket collectors at support staff tulad ng mechanics, dispatchers at inspectors ang mga na-lay off sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Yague.