-- Advertisements --
image 454

Nakipagpulong ang iba’t-ibang transport groups sa DOtr at LTFRB upang talakayin ang kanilang mga panawagan at hinaing ukol sa transportasyon ng ating bansa.

Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB at Office of Transportation Cooperatives (OTC), ang maayos na pakikipag dayalogo ng mga ahensya sa iba’t-ibang leader ng transport group.

Dinaluhan ito ng iba’t-ibang transport group na Transport Service Cooperatives (TSC), grupong BUSINA, National Federation of Transport Cooperative (NFTC), at “Magnificent 7 + 1” na kinabibilangan ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go, Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), at UV Express o ang Mighty 1.

Layunin ng pagpupulong na ito na mapakinggan ang boses ng mga tsuper at operator na mayroong panawagan hinggil sa Modernization Program ng mga pampublikong sasakyan na patuloy na isinusulong ng pamahalaan.

Pinangunahan nina DOTr Secretary Jaime Bautista, LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, at OTC Chairman Jesus Ferdinand Ortega ang naturang pagpupulong sa LTFRB Central Office.