-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nanawagan ang Association of Committed Transport Organizations Nationwide Corporation sa gobyerno na sa mga local manufacturers na lang bumili ng modernized jeepney kesa sa mag-import sa ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa Chairman ng grupo na si Juancho Capariño, hindi kakayanin ng mga drivers at operators ang P2.4 milyon na presyo ng modernized jeepney na planong bilhin sa ibang bansa.

Mas makakamura umano kung sa mga lokal na pagawaan na lamang sa Pilipinas kukuha nito.

Makakatulong na upang makapalakas ang lokal na industriya, mabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino at madali na lang ang maintenance dahil nasa bansa mismo ang pagawaan.

Binigyang diin din nito na hindi sasapat ang pangako ng gobyerno na magbibigay ng P280,000 na tulong pinansyal para sa operators na bibili ng mahal na modernized jeepney.