-- Advertisements --
Nanawagan ang mga transport groups sa gobyerno na bigyan silang fuel subsidy habang hinihintay pa nila ang pag-aprubra ng hirit nilang taas pasahe.
Ayon kay Samahan ng mga Tsuper at Operators sa Pilipinas Convenor Danilo Yumul, na gaya ng ilang programa ng gobyerno ay mahalaga na mabigyang ng regular na subsidya ang mga drivers.
Inihalintulad nito ang regular na 4Ps, senior citizens, TUPAD na nagiging buwanan ang pagbibigay.
Ang nasabing panawagan ay kasunod ng muling pagpapatupad ng taas presyo sa mga produktong langis sa bansa.
Noong Setyembre 2022 pa ay nakabinbin ang hirit ng grupo na P1 kada kilometro na taas pasahe ng grupong UV Express National Alliance of the Philippines.