-- Advertisements --
image 736

Labis na ikinatuwa ng isang transport group ang muling ipapatupad na rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa grupong PISTON, ito ay isang development na para sa kanila kahit sentimo o piso lamang ang ibababa sa presyo nito.

Matatandaan kasi na sampung magkakasunod na linggo na ang ipinapatupad na umento sa presyo ng gasolina.

Habang 11 linggo naman ang pagtaas ng presyo sa diesel.

Ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay naging pasakit para sa mga drivers partikular na sa mga driver ng pampasaherong sasakyan na laging umaaray sa tuwing sila ay nagpapagasolina.

Sinabi ng grupo, na ang bawat halaga kasi ng kanilang kinikita ay mahalaga para sa kanilang gastusin na kung saan, mas mabuting ilaan na lamang raw sa pagkain kaysa sa gasolina.

Ayon kay PISTON National Pres. Mody Floranda, tila pinaglalaruan umano sila ng mga kartel ng oil industry dahil sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, ay bigla bigla rin itong magpapatupad ng rollback.

Una nang nagbabala ang naturang grupo sa posibleng trasport strike dahil sa mataas na presyo ng diesel.

AV… PISTON PRESIDENT MODY FLORANDA (Filename: MODY FLORANDA)

Dagdag pa dito, matatandaang nagpatupad na din ng hakbang ang gobyerno upang tulungan ang mga drivers at ooperators ng mga pampublikong sasakyan upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina.

Sa kasalukuyan, namamahagi pa rin ang pamahalaan ng fuel subsidy sa mga benepisyaryo at batay sa huling datos ng LTFRB, nasa mahigit 74-K na ang nakatanggap ng nasabing subsidiya.