Lumakas pa at naging severe tropical storm ang binabatayang bagyong “Fung-wong” habang nakakaapekto ang Northeast Monsoon sa Extreme Northeastern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang bagyo.
Nakita ang lokasyon nito sa may 1,525 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.
May taglay na lakas na hangin ito na aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 115 kph.
Kumikilos ito ng northwestward sa bilis ng 10 kph.
Makakaranas naman ng maulap na may kasamang pag-ulan ang Batanes at Cagayan dahil sa Northeast Monsoon.
Habang ang Metro Manila kasama na ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na may kasamang pag-ulan.
Kapag nakapasok na sa PAR ang bagyo ay tatawagin itong bagyong Uwan.















