-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hiniling ng mga opisyal ng Bangsamoro Region na palawigin ang transition period ng BARMM hanggang Hunyo 30, 2025.

Pakay nito na magkaroon ng sapat na panahon ang parliyamento ng BARMM na maisakatuparan ang mandato nito.

Ito ang laman ng kahilingan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa House of Representatives at Senate of the Philippines sa kanilang resolusyon na ipagpaliban hanggang sa June 30, 2025 ang transition period ng BARMM.

Ang kahilingan ay sabay sa sesyon ng BTA at paglagda ng Administrative Code ng BARMM na pinangunahan nina Bangsamoro Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim at BTA Parliament Speaker Ali Pangalian Balindong.

Iginiit naman ng ilan na ‘wag nang palawigin ang transition period ng BARMM at dapat magkaroon na ng halalan.