Binasura na lamang ni US President Donald ang panawagan ng mga aktibista sa bansa na tuluyan nang putulin ang pondo para sa mga kapulisan.
Sa dinaluhan nitong event sa Texas ngayong araw, sinabi ni Trump na isang radikal na hakbang ang isinusulong ng mga ito laban sa mga otoridad.
Ang naging komento ng Republican president ay may kaugnayan pa rin sa patuloy na malawakang-kilos protesta na nagaganap sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa pagkamatay ng African American na si George Floyd.
Susuportahan din ng kaniyang administrasyon ang pagsasa-ayos ng police at pilot trainings para sa mga social workers.
Naging bokal din si Trump sa kaniyang pagsuporta sa mga otoridad sa bansa at sinabi rin nito na hindi magiging tagumpay ang progreso ng Amerika kung pakikinggan niya ang sigaw ng mga raliyista.