-- Advertisements --

Malapit nang magsimula ang training ng mga atleta na sasabak sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanaoi, Vietnman.

Ito ay sa pagsusumikap na rin ni chef-de-mission Ramon Fernandez na sa lalong madaling panahon ay masimulan na ang in-person training ng naturang mga atleta, na ilang buwan na ring naantala dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fernandez, na isa ring commissioner ng Philippine Sports Commission, isinangguni na rin niya sa Philippine Olympic Committee ang naturang issue.

Sinabi nito na ilang national teams na ang nagsimula nang bumalik sa kanilang training sessions sa pamamagitan ng “bubble” setup sa nspire Sports Academy in Calamba, Laguna.

Ang mga atleta para sa taekwondo, boxing at karate ay nasa naturang pasilidad simula kalagitnaan ng buwan ng Enero para maghanda naman sa kanilang Olympic qualifying tournaments.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang PSC sa iba pang national sports associations na nakapag-propose na ng kanilang sariling training arrangements.

Ayon kay Philippine Sports Commission National Training Director Marc Velasco, lahat ng mga training activities ng national team ay kailangan maaprubahan muna ng PSC para mai-coordinate sa POC.