-- Advertisements --

Nananatili pa ring manageable ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Ito ay batay sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA).

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, nananatiling maayos ang lagay ng trapiko sa Metro Manila, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga bumibiyaheng sasakyan, kapwa mga pampubliko at mga pribado. \

Bagaman binabantayan ang lahat ng kakalsadahan sa buong lungsod, sinabi ni Vargas na pangunahin sa kanilang pokus ay ang malalaking mga highway katulad ng EDSA at C5.

Una rito ay nagdeply na ang MMDA ng mahigit 2,400 traffic enforces para magmando sa lagay ng trapiko sa kabuuan ng kapaskuhan.

Maliban dito ay hinabaan na rin ng MMDA ang durty ng mga traffic enforces at magbabantay sila sa mga kalsada hanggang hating-gabi at walang rest day.

Una nang sinabi ng ahensiya na sa pagsisimula ng Disyembre ay umangat na ng mula 10,000 hanggang 15,000 ang bilang ng mga sasakyan na bumabaybay sa mga kakalsadahan ng Metro Manila.