Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Hindi nakaatakas ang isang aktibong traffic enforcer ng Butuan City matapos itong makunan ng suspected shabu habang naka-duty sa isinagawang drug buy bust operation kahapon ng hapon sa Barangay Libertad.

Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga mula sa dati ng drug surrenderee na si Rey Misanes, residente ng Brgy. Libertad ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu pati na ang buy bust money na P500.

Kahit nagpositibo sa ginawang operasyon, mariin pa ring pinabulaanan nito na bumalik siya sa illegal drug trafficking.