Inaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga hakbang na maaaring gawin, kung sakaling makikitaan ng pagbulusok ang stock market sa harap ng malaking problema sa COVID-19 pandemic.
Sakaling magkakaroon ng mabilis na pagbaba ang PSE index hanggang 10 percent, maaaring ihinto ang trading ng hanggang 15 minuto.
Kapag 15 percent ang ibinagsak, 30 minuto ang magiging pagtigil ng kalakalan, habang isang oras naman kung aabot sa 20 percent ang pagsadsad sa trading.
Pero ayon kay SEC chairperson Emilio Aquino, isang pagkakataon lamang maaaring magpairal ng “trading pause” kada araw.
Kung sakali namang mangyayari ang pagbaba ng stocks sa huling 20 minuto bago ang pagsasara ng trading, hindi na magpapatupad ng anumang pagtigil sa mga transaksyon.