-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Aminado ang ilang mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan ngayon sa Canada na apektado din ang kanilang pamumuhay at trabaho dahil sa nararanasang heatwave sa bansang Canada.

Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo international correspandent Jocelyn Bungan, isang nurse sa Canada na tubong lungsod ng Koronadal .

Ayon kay Bungan, hindi naman sana problema ang mainit na panahon sa mga Pinoy dahil sanay naman umano sila sa klima ng Pilipinas ngunit ang mga Canadian at ibang lahi ay nahihirapan sa panahon ngayon sa Canada.

Sa ngayon umaabot sa 49-50 degrees celcius na temperature ang nararanasan sa dahilan bansang Canada na nagiging dahilan ng pagkamatay dahil sa heat stroke ng mga halos matatanda .

Dagdag pa niya, mayroon na lamang dalawang araw na nakakaranas sila ng taglamig na temperatura at halos ilang araw na heat wave doon.

Sa ngayon nadagdagan pa ang mga nasawi kung saan halos na 200 na ito at posibleng tumaas pa sakaling magpatuloy ang heat wave.