-- Advertisements --

Pinangunahan ni Karl Anthony-Towns ang New York Knicks upang mapanatiling malinis ang preseason record ng koponan at iposte ang ikalawang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, 110-95.

Kumamada ng 10 points at 11 rebounds ang bigman laban sa kaniyang dating team. 15 points naman ang naging ambag ng batikang guard na si Mikal Bridges.

Nanguna sa opensa ng Timberwolves ang forward na si Juluis Randle na gumawa ng 16 points at 5 rebounds habang 17 points ang kontribusyon ng shooter na si Anthony Edwards.

Inabot ng overtime ang laban ng dalawang koponan matapos maitabla sa 90 ang kani-kanilang score sa pagtatapos ng regulation sa 4th quarter.

Pagpasok ng OT, agad umarangkada ang Knicks at sa loob ng limang minuto ay nagawa nitong iposte ang sampung puntos sa tulong na rin ng mga bench player nito na sina Miles McBride at Jordan Clarckson.

Hindi na nakahabol pa ang Wolves at tanging limang puntos lamang ang naipasok nito sa loob ng limang minutong OT.

Batay sa overall stat, hindi nalalayo ang laban ng dalawa matapos parehong magtala ng below-38 na overall shooting percentage habang parehong ring nagpasok ang mga ito ng tig-15 3-pointers.

Maging sa rebounding ay kapwa kumamada ang mga ito ng tig-55 rebounds.

Tanging sa paint area lamang ang naging bentahe ng Knicks matapos itong magpasok ng 38 points sa loob ng paint habang 28 lamang ang naging kasagutan ng Minnesota.