-- Advertisements --
Papayagan nang magbukas ang lokal na turismo sa mga lugar na sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na patuloy ang ginagawang paghahanda ng Department ng Tourism (DOT) sa mga hotels at resorts para sa reopening ng domestic tourism sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Puyat, marami sa mga tourist sites ngayon ay nasa general community quarantine.
Kaya patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang DOT sa tourism sector at local government units hinggil sa health protocols ipapatupad sa mga tourist sites na mapapasailalim sa MGCQ.