
Kasabay ng pagbubukas ng ilang tourist destination, nagpasalamat si Department of Tourism (DoT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat dahil na rin sa hakbang ng PNP na ibakin ang Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP).
Ayon kay Puyat, malaking tulong ang mga tourist police units dahil katuwang nila ang mga ito sa muling pagbangon ng industriya ng turismo ng bansa.
Aniya, malaking tulong ang mga TOPCOP para sa kaayusan at pagpapatupad ng health protocols at guidelines sa mga lugar na bubuksan na ang mga tourist destination o ang mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).
Maliban dito, malaking tulong din ang mga tourists police sa pagbibigay ng security operations para sa local toursit at establishments at ang pagresponde ng mga ito sa tourist-related security at safety issues.
Una rito sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa na palalakasin pa ng TOPCOP ang pagkakaroon ng Tourist Police Assistance Desks (TPAD) sa buong kapuluan.
Una rito, sinabi ni Puyat na todo na raw ang paghahanda at koordinasyon ng DoT sa iba’t ibang local government units (LGUs) para ihanda ang mga tourist destination sa kanilang mga lugar bilang paghahanda sa domestic tourism sa ilalim na ng tinatawag na new normal.
Dagdag ni Puyat, nakipag-ugnayan na rin daw ang mga ito sa mga establisimento para sa tourism-related opening na unti-unti nilang isinasagawa para mabuhay ulit ang turismo sa bansa.










